Nagsagawa ng operations briefing ngayong umaga ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela bilang paghahanda sa paparating na bagyong #PaoloPH.
Activated na ang Emergency Operations Center at nasa Blue Alert status na ang lalawigan.
Handa na ang mga dispatch team ng Isabela para sa mga rescue operation sa timog at hilagang bahagi ng lalawigan.
Ayon kay Assistant Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Romanico D. Daguio, posibleng tumama ang mata ng bagyo sa baybaying bayan ng Dinapigue at maaari pa itong lumakas sa mga susunod na oras.
Kasama rin sa operations briefing ang Public Safety Office at Isabela Provincial Information Office, maging ang ISELCO II na handang magbigay ng tulong. – Isabela PIO